Para sa magtatapos: Ang kuwento ni Tessa Maya

Sa linggo ng pagtatapos sa iba’t ibang baitang sa pag-aaral, marahil pagnilayan natin ang graduation.

Hinihikayat ng nanay ni Tessa Maya ang kanyang anak na lumipad. Siya na lang ang natitira niyang anak na hindi pa nakaalis sa pugad, samantalang ang kanyang mga kapatid ay nasa palayan. Ngunit ayaw ni Tessa: kompurtable kasi sa pugad.

Isang araw, hindi hinatid ng nanay ni Tessa ang palay na nasa kanyang bibig. Inilagay niya ito sa malayong parte ng punong kahoy upang doon na lamang kakain ang kanyang anak. Kahit nagmakaawa si Tessa, hindi pumayag ang nanay na sa pugad na lamang siya kakain. Kaya napilitan si Tessa na umalis sa pugad upang makuha ito.

Kaya sa bawat kain nito, mas inilalayo ng nanay ang mga palay.

Hindi nagtagal, natutong lumukso at lumipad si Tessa upang makakain. Pagkalipas ng ilang araw, sumunod si Tessa sa palayan upang makasama ang kanyang mga kapatid.

Ganito ang graduation: nasa likod ng bawat nagtatapos ang mga magulang at guro na nagtiyagang nagpaaral at nagturo upang matuto tayong lumipad.

Manalangin tayo: O Dios, ang bawat pagod ay humahantong din sa tagumpay. Turuan mo kaming maging mapagpasalamat sa bawat naaabot ng aming kakayahan at ng Iyong biyaya. Amen.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

One thought on “Para sa magtatapos: Ang kuwento ni Tessa Maya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: