Busy ka ba?

Busy ka ba lagi? Nagtatrabaho. Nagaaral. Naghahanap ng pambayad sa utang. Tinatapos ang lahat ng kailangang gawin na para bagang ang katuparan ng lahat ng ito ang punto ng buhay.

Ngunit hindi: Kawalan o empty ang buhay na walang pag-ibig.

Naalala ko ang kuwento ng batang gustong bilhin ang oras na ginugugol ng kanyang tatay sa trabaho.

Ang ugnayan o relationship ang pinakamahalaga sa atin. Hindi ang ating materyal na ari-arian, ang ating achievements o mga narating sa buhay. Ngunit kapag napuno na ang ating mga schedules, ang unang tinatanggal natin ay ang panahon, atensiyon at enerhiya na kailangan sa pangangalaga sa mga ugnayan.

At kapag nilayuan tayo, idadaan natin sa mga hugot sa social media ang ating mga hinanakit. Tayo din ang may kasalanan sa anumang paghihiwalay.

Ayon kay San Pablo: “Walang halaga ang buhay kung walang pag-ibig.”

Sa Mahal na Araw, pagnilayan natin ang pag-ibig ng Diyos sa atin upang patunayan na ang mas mahalaga ay ang ugnayan natin sa Kanya.

Manalangin tayo. Sa kagandahang-loob mo, Panginoon, nawa’y makapamuhay kaming bilang mga mapalad na maging iyong mga anak na kabilang sa iyong tahanan. Amen.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: