Paano mo malalaman ang tunay na halaga ng bagay o tao sa iyo? O paano mo malalaman kung tunay ka ngang pinapahalagahan ng iyong kapamilya, kaibigan o katrabaho?
Nasusukat ang halaga sa panahong ginugugol natin sa kanila.
Kung gusto mo malaman ang priorities ng isang tao, titingnan mo lamang kung paanong ginagamit nila ang kanilang oras.
Time is the most precious gift because you only have a set amount for it. Maaaring padamihin mo ang iyong pera; dagdagan ang iyong mga medalya; ngunit hindi mo magagawang dagdagan ang oras sa isang araw, buwan o taon.
Kapag binibigyan natin ng panahon ang isang tao, ang tunay na binibigay natin ang parte ng ating buhay na hindi pwedeng suklian o bawiin. Ang ating panahon ay ang ating buhay.
Kaya kahit limpak-limpak na pera ang inuuwi natin sa bahay, walang kasing-tulad ang tunay na presensya at atensiyon natin sa ating mga anak.
The best expression of love is time.
Manalangin tayo: O Panginoon, nawa’y bigyan namin ng panahon ang mga nagtitiis ng kahirapan, sa kanilang hapis ay makatagpo nila kaming handang tumulong nang walang pag-iimbot. Amen.