Mayo 1: Ano ang pagtingin ng Diyos sa hanap-buhay?

Isang karangalan ang may ginagawa; kaya isang marangal na tao ang mangagawa. Kaya pinagdiriwang natin ngayon si San Jose Mangagawa, upang ipakita na ayon sa kalooban ng Diyos ang paghahanap-buhay.

Karpintero sina San Jose at ang Panginoong Hesus.

Naalala niyo sa Bibliya nang bumalik si Jesus sa Nazaret at nagturo sa sinagoga, sabi ng mga tagapakinig, “Hindi ba siya ang anak ng karpintero?”

Nguni’t tila mababa ang pagtingin ng maraming tao sa hanapbuhay na tulad nito? Sinasabi nila, “Karpintero lang po.”

Sa araw na ito, alalahanin na hindi dapat gamitin ang salitang, “lang.”

Kung batayan sina San Jose at ang Panginoon, sasabihin nating, “Karpintero po!” “Mangingisda po!” “Magsasaka po!” Babanggitin natin ito nang nakataas-noo.

Mga kapamilya, huwag po nating maliitin ang anumang uri ng disenteng trabaho.

Alalahanin, sa kanilang trabaho ang  pinanggagalingan ng lahat ng ating ikabubuhay: pagkain, tirahan, at marami pang iba.

Manalangin tayo. O Panginoong Hesus, magbigay nawa kami ni halimbawa ng katapatan, kabutihan at pusong handang maglingkod sa aming kapwa. Amen.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

2 thoughts on “Mayo 1: Ano ang pagtingin ng Diyos sa hanap-buhay?

  1. Dagdag ko lang po: hindi ba’t mga manggagawa rin ang iilan sa mga apostol ni Hesukristo?

    Mga mangingisda (Andres at Pedro), mga “entrepreneur” (Santiago at Juan, anak ni Zebedeo), at may publikano (Mateo). Maliit man sa mata ng tao ang mga hanapbuhay na ito, tinawag pa rin sila para sa mas malaking tungkulin.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: