Paano mo malalaman ang misyon mo sa buhay?

Alam mo ba na walang tao ang magkaparehas sa tibok ng puso? Sa libo-libong tao sa mundo, ang puso mo lang ang tumitibok nang ganyan.

Kapag ginagamit natin ang salitang puso, ano ang iniisip po ninyo? Kapag sinasabi natin, “Buong puso kitang mamahalin” ano ang ibig mong sabihin?

Sa bibliya, ginagamit ang salitang “puso” bilang bigkis ng ating mga hangarin, pangarap, ginigiliw, motibasyon, ambisyon, at interes.

Ibig sabihin, ang tunay mong sarili, hindi yung sariling nagkukunwari. Ayon sa Kawikaan o Proverbs: “Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha, gayon din ang puso ng tao sa kapuwa tao.”

At dahil may pagkakaiba ang tibok ng ating mga puso, malalaman natin kung saan tayo tinatawag ng Diyos na maglingkod.

Kung mas nakabaling ang iyong puso sa matematika, baka gagamitin mo ang matematika para sa iyong misyon sa buhay.

Manalangin tayo lalo na para sa mga pinuno ng ating lipunan. Panginoon, nawa’y kumilos silang lumilingap sa mga dukha at kapuspalad. Amen.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: