Madalas ka bang magalit, mainis, o uminit ang iyong ulo? Kapag galit ka, sino ang napagpaparausan mo ng galit? Madalas napapahamak tayo dahil sa una nating nalalapitan. Iba ang ating nasasabi na madalas nating pinagsisisihan kapag lumamig na ang ating ulo.
Madalas ding sanhi ang pinagpapahingaan natin ng loob: minsan natsi-tsismis tayo kahit pinagusapan nating, “sa atin-atin lang ‘to pare ha.” Ngunit nakakarating din sa buong mundo lalo na nakapost sa twitter o facebook.
Naisipan mo bang ilabas ang iyong galit sa Diyos muna? Dahil maaari kang maging tunay na ikaw sa harap ng Diyos.
Hindi ito pambabastos sa Maykapal. Alam niya ang iyong saloobin kaya di na kailangang itago pa. Ilabas mo na sa Kanya! Tawag dito ay “vertical ventilation” – pinapalabas mo ang iyong galit sa kaninong buwisit sa iyong buhay sa Diyos.
Ngunit pakinggan mo rin ang sasabihin ng Diyos upang makita din natin ang tunay na sanhi ng ating sama ng loob.
Madalas, ang ating awayan ay sanhi ng ating pangangailangan tulad ng pansin o atensiyon na hindi magagawa ng isang tao 24/7, kundi ng Diyos lamang.
Manalangin tayo: O Diyos, pakinggan mo po ang aming hinaing, at bigyan Niyo po ng liwanag ang aming mga isip. Amen.