May pinanggakuan ka na ba ng panghabang-buhay tulad ng asawa’t anak, boyfriend o girlfriend? Paano mo ba pinapalago ang iyong mga ugnayan? May itinuturo si Pope Francis sa atin sa kanyang encyclical, “Amoris Laetitia” o ang Ligaya ng Pag-ibig.
Upang tumagal ang isang committed relationship, kailangang nag-uusap ang mga nagmamahalan at hinaharap nilang sabay ang anumang problema. At dahil walang taong perpekto, higit na kinakailangan ang pagpapatawad sa isa’t isa. Ito ang nais kong bigyan pansin.
Wika ni Pope Francis, kailangang maging mapanlikha ang nagmamahalan sa kanilang “intentional acts of love” – tulad ng halik bilang pamamaalam bago lumisan sa trabaho, pagtutulungan sa mga pambahay na responsibilidad, o kaya magiliw na paghihintay sa isa’t isa.
Ang maliliit na pagpapakita ng pagmamahal ay malaki ang dulot nito sa malagong pag-iibigan.
Manalangin tayo mga kapamilya: O Panginoon, hinihiling naming lunasan mo ang aming mga karamdaman upang makapaglingkod kami nang nararapat sa Iyo at sa aming kapuwa. Amen.