Excited si Rita sa araw na iyon. Ibibigay na ni Ginang Lea ang kanilang mga responsibilidad sa klase. May taga-bura sa blackboard, may naatasang magkolekta ng notebook, may taga-check ng attendance, at may taga-alaga sa goldfish sa kanilang aquarium. Nguni’t ang pinakaminimithi ng bawat bata ang espesyal na gawaing binibigay sa nanalo sa nakaraang taon.
Kaya nang tinawag si Rita, nabigla siya: binigyan siya ng isang kahong puno ng lupa at mga pulang langgam.
Para sa lahat, maliit lang na bagay ang pag-aalaga sa langgam. Kaya naawa ang lahat sa kanya, kasama ang kanyang mga magulang. Hindi nila akalaing maliit lang na responsibilidad ang ibibigay sa kanilang anak.
Bagaman nanghina ang kalooban ni Rita, sinabi niya sa sarili na pagbubutihin niya ang ibinigay sa kanya, maliit man ito sa kanyang paningin.
Pinag-aralan niya ang pulang langgam: ano ang nararapat na pagkain; anong klaseng lupa siya nabubuhay, atpb. At inalagaan niya nang husto ang maliliit na langgam hanggang ito’y dumami.
Isang araw, dumalaw sa klase si Dr. Martinez, isang biologist. Sa buong lalawigan ng Davao, si Rita ang nanalo sa kanilang lahat. Napanalunan niya ang isang fieldtrip sa kagubatan kung saan pag-aaralan nila ang mga hayop doon!
Pinagkakatiwala sa atin ng Diyos ang malalaking bagay, kung pinagbubutihan natin ang maliliit na ibinigay sa atin.
Manalangin tayo: “O Diyos, bigyan niyo kami ng ganang gawin ang iyong utos sa higit naming makakaya. Amen.”