Pagkatapos dumalaw sa ating mga yumao, napag-isipan na ba natin kung bakit paulit-ulit nating ginagawa ito. Sa susunod na taon, pagkatapos ng semestral break, babalikan natin uli ang puntod ng ating mga minamahal. Ang alaala ng namatay ay nasa nakaraan. May sinasabi ba itong kaugalian tungkol sa kinabukasan?
Ang alaala daw ay pang-nagdaan. Inaalala sa pangkasalukuyan. Para sa panghinaharap. Ano-anong naalala mo sa kanila? Naalala mo ba ang isang paboritong niluluto ng nanay mo para sa pamilya? May mga kainang tawag, “Luto ni Nanay” upang matikman natin ang sayang nadudulot ng recipe ng magulang.
Heto: Naalala mo ba ang mga payo ng tatay mo sa iyo nung siya ay buhay pa? Pinapahalagahan natin ang mahalaga sa kanila, upang magsilbing gabay sa pangkasalukuyan nating buhay.
Sa araw na ito, pasalamatan natin ang ating mga yumao. Kung sino tayo ngayon, ay dahil sa kanila.
Manalangin tayo: Isinasamo namin, Panginoon, na kaming nagdiriwang at lumalahok sa pagsamba ay magtamasa ng katiwasayan dito sa lupa at ligayang walang-hanggan sa kabila. Amen.