Hayaan ang mga Kabataan na Piliin ang Sarili Nilang Adbokasiya

8/8 Note: Ang mga sumusunod na mga artikulo ay para sa pagdiriwang ng “Year of the Youth ngayong 2019. Ito ang aking maiaambag ukol sa pag-aalaga ng mga kabataang Generation Z. Nakabase ang lahat nang ito sa McCann-Erickson Youth Survey 2018 na ibinigay sa isang panayam sa Ateneo de Manila University at sa aking personal na karanasan.

Nagkaroon ng pagkakataong linisin ang baybayin ng Mababang Paaralan ng San Andres Bukid. Nang dumating na ang araw, nabigla ang Student Council dahil dinagsa kami ng maraming mga volunteers. Sa coastal cleaning, masasaya ang aming mga estudyante. Sabi nila, “Mas magandang may maiaambag kami upang tulungan ang kalikasan.

Ibaling ang ating mga hilig sa mga bagay na nakakatulong. Maaari nating pagtuonan ng pansin ang sining, pagkain, humanity, sports, atpb. 94% ng mga kabataan ngayon ang nagsasabing maiging pag-aralan at pag-usapan natin ang lahat isyu ng bayan.

At sa ganitong balitaktakan, alamin kung paano tayo makakatulong solusyonan ang mabigat na isyung pangsabayanan.

Manalangin tayo: O Dios, itanim sa aming mga puso ang diwa ng malasakit. Upang sa pang-araw-araw namin, magkakahilig kaming palaguin ang aming mga adbokasiya. Amen. 

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: