Mahalagang Marinig ng Lahat ang ating Paninindigan

Note: This is the 1st. According to the most recent McCann-Erickson Youth Survey of 2018, there are 10 Rules that the Filipino youth follows religiously. If you want all of them, all of the succeeding posts until 3 June 2019 will discuss each. All posts for this year is my contribution to the celebration of the Year of the Youth 2019.

Karapatang pantao ang marinig ang ating boses ukol sa mga isyu ng lipunan, lalu na bilang isang mamamayan ng bayan. Nakakatulong ang ating boses sa paglilinaw ng ating paninindigan, at naiiwasan nito ang anumang uri ng alitan at hindi pagkaunawaan. Dahil malinaw ang ating mga pinahahalagahan, nagsisilbing gabay ito sa ibang tao —nalalaman nila kung paano sila makikitungo sa atin, at kung paano nila ilulugar ang kanilang sarili kapag tayo’y kanilang kapiling. Words clarify the meaning of our actions, as well as our actions confirm our words.

Maraming mga kabataan ngayon ang nagsasabing, “walang label” ang kanilang relationship. Ito’y isang malaking kamalian. Kapag walang label, hindi malinaw ang relationship. Simple lang, kung walang label, paano mo malalaman kung hahawakan mo ang kaniyang kamay o hindi? Dahil tama ang “holding hands na may kakaibang kilig” sa magkasintahan, at “walang kilig ang hawakan” sa kaibigan lamang.

Nililinaw ng salita ang ating mga ginagawa.

Sa pananampalataya, inaanyayahan tayo na linawin ang ating mga paninindigan, o kung kanino ba talaga tayo kampi, sa Diyos ba o sa kasamaan? Kapag malinaw kung sino ang sentro ng ating buhay, aayon sa ating sentro ang ating mga salita at gawa. Malinaw na hindi ako sumasang-ayon sa nangyayaring mga “Extra-Judicial Killings” o EJKs bilang collateral sa “War on Drugs.” Malinaw na mas gusto kong damihan ang eskuwelahan kaysa kulungan para sa kabataan. Ikaw malinaw ka ba?

Manalangin tayo: O Diyos, turuan niyo po kaming malinawan sa aming mga paninindigan, upang sa aming pagsasalita, hinding hindi kami magkakamali. Amen. 

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: