Note: This is the 6th. According to the most recent McCann-Erickson Youth Survey of 2018, there are 10 Rules that the Filipino youth religiously follows. If you want all of them, the succeeding posts until 3 June 2019 will discuss each. All posts for this year is my contribution to the celebration of the Year of the Youth.
Maraming likers ang mga posts sa FB, Instagram at lalo na sa youtube ang nakakatawa tulad ng Funny or Die, Break, The Tonight Show, at maraming gusto ng mga musical parodies, memes at comedy sketches. Gustong-gusto ko yung mga “fail videos” sa Fail Army channel ng Youtube.
Ganoon din sa mga posts na nakaka-inspire. Tulad ng mga videos ng mga nagpapalakas ng loob, nakakabigay-gabay, atpb. Gusto ko ang mga kuwento sa Humans of New York sa Instagram, ang mga gawain ng Catholic Relief Services, and mga accounts na naghihikayat na alagaan ang kalikasan.
Hindi na kailangang banggitin ang pagdami ng mga nakaka-stress sa buhay. Simulang paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi, maraming maaaring makakasira sa iyong kalagayan. Maiinis ka sa mga balita sa Twitter, kaya may tinatawag na Twitter anger. Meron namang posts na nakaka-nega sa Facebook.
Ngunit gusto nating lahat ang nakakatawa dahil, “laughter is the best medicine,” at ang nakaka-inspire “dahil kailangan nating bunuin ang mga balakid sa ating buhay.”
Manalangin tayo: “O Diyos nawa’y makita namin ang nakakatawa, sa kabila ng nakakalungkot, at ang nakakabigay lakas sa kabila ng nagpapahina ng loob. Amen.