Note: This is the 7th. According to the most recent McCann-Erickson Youth Survey of 2018, there are 10 Rules that the Filipino youth religiously follows. If you want all of them, the succeeding posts until 3 June 2019 will discuss each. All posts for this year is my contribution to the celebration of the Year of the Youth.
Marami akong pagkakamali sa paggamit ng social media. Marami akong inaway sa internet, at gumamit na rin ako ng mga salitang hindi kaaya-kaya at hindi nararapat sa isang tulad ko. Ilang posts na rin ako na madaling ma-share o lumaganap sa madla, at pinagsisihan kong nailathala ko sila sa aking twitter. Totoong nakakasira sa pangalan natin at sa ating inire-represent, tulad ng Simbahan, ang eskuwelahan, atbp.
Ayon sa McCann Erickson Survey, 22% ng mga Pilipinong kabataan ang nakasulat ng negatibo ukol sa mga taong kakilala nila. Kaya, laganap ang cyber-bullying. Tayo kayang mga matatanda? Malinaw na kasama tayo sa 22% na iyon.
Walang private sa internet. Lahat ng bagay na nailathala mo sa iyong website or social media account, nananatili doon kahit na na-delete mo na. Sa mga sobrang magaling sa teknolohiya, maaari nilang hanapin ang mga tinanggal mo, lalo na ang mga videos mo na nag-viral. Ang anumang laganap na iskandalo makikita sa iba’t ibang internet sites.
Dahil dito, kasama sa pagtanggap ng isang kumpanya o eskuwelahan na halungkatin ang social media posts ng sinumang nag-aaply ng trabaho. Dahil kahit ako, hindi ko tatanggapin ang maaaring maging sanhi ng pagkasira sa aming institusyon.
Manalangin tayo: “O Diyos, huwag sana naming makalimutan na may mga tao kaming kailangang bigyan ng positibong gabay sa buhay. Amen.”