Maganda ang aking Pakiramdam Kapag Gumawa Tayo nang Mabuti

Labis akong natutuwa sa mga first-time na ma-inlove. “Pads, na-fall ako,” sabi ng isa sa kanila. “Na-fall” ang tawag ng kabataan kapag sila ang “na-fall-in-love.” Natutuwa ako kasi sa murang edad nararanasan na nila ang isa sa mga sikreto ng kasiyahan sa buhay—na ang tunay na kaligayahan ay natatagpuan sa pagmamahal ng ibang tao, o sa pagiging isang “person for others.”

Habang nakakamtan ang mga iPhones at iPad, kung saan pinahahalagahan ang “I” o ang sarili, mas maraming tao ang nakakaramdam ng kalungkutan. We are a connected but isolated generation. Dahil dito, mahalaga ang mga volunteerism o anumang pagtutulungan.

Sa kanyang research, nakita ni Dr. Donald Moynihan, may akda ng librong The Dynamics of Performance Management, ang halaga ng kusang pagtulong o altruism. Sabi niya, “Helping others makes us happier. Altruism is not a form of martyrdom, but it operates for many as part of a healthy psychological reward system.”

We feel good when we do good.

Matagal na natin alam ang halaga ng pagmamahal sa kapwa. Kaya ang punto sa episode na ito ay simple lamang: Ituloy pa rin ang ating ginagawang pagtulong sa iba. Makakabuti ito sa ating lahat.

Manalangin tayo: Ibaling mo ang aming puso, O Panginoon, hindi sa aming sarili, kundi sa kapakanan ng iba. Amen.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: