Kung babalikan mo ang nagdaang araw upang tingnan kung saan mo ginamit ang iyong oras, ano kaya ang matutuklasan mo sa iyong sarili. May mga taong ginagamit ang oras sa nakaraan: sa pagsisisi, sa pagpuna sa mali, sa mga “sana” nila sa buhay. May mga tao namang magaling sa kinabukasan: sa pagpaplano, pag-aalaala sa hindi pa nangyayari, o sa paninigurado upang hindi magkaroon ng puwang ang anumang pagkakamali.
Nguni’t ang mga taong marunong namnamin ang kasalukuyan, ang siyang nagiging mas masaya sa buhay.
Tweet
Ayon sa mga bagong research ukol sa mental-health at mindfulness, ang mga taong marunong pahalagahan ang mga maliliit na bagay, tulad ng “smell the roses,” ang pinakamasayang mga tao. Sa pag-aaral na ito, ang inutusang mag-focus na mag-appreciate sa mga bulaklak, sa bukang-liwayway, sa mga taong naka-ngiti atpb ang may kapuna-punang pagbabago sa kanilang sariling kaligayahan.
Kapansin-pansin ang pagbabago ng bawat miyembro ng grupo, iisang linggo pa lamang ang nagdaan sa kanilang pag-aaral.
Hindi ito bagong kaalaman. Sa kanyang Canticle of Brother Sun and Sister Moon, pinahalagahan na ni San Francisco ng Asissi ang matagpuan ang Diyos sa lahat ng Kanyang nilikha.
Tweet
Manalangin tayo: O Panginoon, nawa bigyan mo kami ng malalim na kaligayang nagmumula sa panibagong mata at pamumuhay. Amen.
