Alagaan Ang Sarili Para sa Pangkalusugang Pangkaisipan

Lumalala ba ang iyong pakiramdam ng pagkabahala, matinding kalungkutan, o pagkaligalig sa panahong ito? Malaki ang epekto ng pagbubukod at paghihiwalay bilang paghahadlang sa nakakahawa na sakit tulad ng Coronavirus. Nahihiwalay ang pamilya’t mga kaibigan. Nawala ang mga pagtitipon. Pinagbawalan ang pangmalakihang pagdiriwang.

Ang dating paraan ng pagtuturo sa loob ng eskuwelahan ay napunta sa online education, kung saan nag-aaral ang estudyante sa loob lamang ng bahay o kuwarto, at hindi kasama ang kanilang kaklase’t kaibigan.

Paano ba natin maalagaan ang ating kalusugang pangkaisipan o mental health?

Mag-exercise po tayo araw-araw! Tuwing nag-eexercise tayo, inilalabas ng ating katawan ang mga endorphins na nakakawala ng stress at nakaka-akyat ng ating moods. Kailangan ding magpa-araw para sa Vitamin D at seratonin na nakakatulong sa pagpapagaan ng ating pakiramdam. Kahit kalahating oras tuwing umaga ay sapat na para maging masaya sa buong araw.

Ang pag-aalaga natin sa ating mental health ay hindi lamang para sa ating sarili, kundi pati na rin sa ating mga kasama sa bahay na may dinadaanan din sa panahong ito. Nakakahawa ang sayang galing sa isang taong magaang kasama.

Manalangin tayo: O Diyos nawa tulungan mo kaming alagaan ang aming sarili sa krisis na dinadaanan namin ngayon. Amen. 

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: