Feelings or Willpower?

This article is the transcript of the video below.

Ano ang mas naghahari sa iyong pagdedesisyon, ang iyong damdamin o hangaring matupad ito?

Gusto mong mataas ang grado, nguni’t naghihintay ka ng inspirasyon para mag-aral. Gagawa ka ng kanta, nguni’t naghihintay ka ng gana. Hangad mong gumaling sa pagsasayaw, nguni’t depende kung may panahon magensayo. Nais mong tumagal ang iyong lovelife, nguni’t naka-batay ito sa “spark” ng damdamin. Sa panahong na nananaig ang feelings sa lahat ng bagay, pinapaalala ni Hesus ang halaga ng will power. 

Sinabi ng ketongin kay Hesus, “If you will it, you can make me clean.” At tumugon si Hesus, “I do will it. Be made clean.” At gumaling ang may ketong.

Matthew 8:2-3

Mahalaga ang willpower sa buhay. Hindi sa lahat ng panahon may inspirasyon ka sa pag-aaral, sa pagpapalago ng talento, at higit sa lahat, sa anumang ugnayan. 

Nandito ako ngayon sa Bitiala Center sa Cotabato City. Bitiala ang tawag sa “dialogue.” Matagal nang sinasabi ng Simbahan ang halaga ng pagkakapatiran bilang mga anak ng iisang Diyos. Dito sa Bitiala Center, ginaganap ang pagpapatupad sa turo ng interreligious dialogue ng Vatican II at Fratelli Tutti ni Pope Francis.

Dito, hindi lang nanatiling salita ang pagkakapatid kundi isinasagawa ito.

Dito pinapalaganap ang kultura ng mapayapang pamumuhay ng magkakaibang relihiyon sa pamamagitan ng pag-uusap, respeto at pagtutulungan. Kailangan ang will power sa pagpapatupad nito.

Manalangin tayo: O Diyos, nawa’y maisagawa namin ang iyong turo sa aming mismong buhay. Amen. 

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: