This is a transcription of the video below.
Paano mo ipagdiriwang ang Semana Santa ngayong pandemia? Kapag delikadong bumisita sa iba’t ibang Simbahan para sa Bisita Iglesia; o mag-Stations of the Cross kasama ang iyong kabarkadang umaakyat ng bundok; o magprusisyon sa buong lalawigan kapag Biyernes Santo; o magsimba sa Huwebes Santo para sa Washing of the Feet, paano ba natin ipagdiriwang ang Holy Week na hindi nawawala ang kahulugan nito sa ating pananampalataya?
Pakinggan po natin ang mga sagot ng iba’t ibang tao dito sa Samal Island.
“With my whole family, we will pray the rosary and the Stations of the Cross in front of our home altar.”
Liza Lao
“Ipagdiriwang ko nang makabuluhan ang Kuwaresma sa pamamagitan ng pagbibigay panahon at pagdarasal sa aking pamilya.”
Niel Capidos
“I will be in Bicol to visit my mom and my family. To celebrate the Holy Week, my plans are to join online reflections, and to spend a quiet time with my mom and some members of my family at home.”
Sally Pabres
Sa panahon ng pandemiya, hinihimok tayong maging mapanglikha sa ating mga tradisyon at nakaugaliang mga gawain upang imigting sa ating buhay ang pagpapakasakit sa krus ng ating Panginoong Hesus.
“The creativity of the Christian needs to show forth in opening up new horizons towards God and towards people, in creating new ways of being at home. It’s not easy to be confined to your house. Take care of yourselves for a future that will come. And remembering in that future what has happened will do you good.”
Pope Francis, interview, 8 april 2020
Marahil ito ang panahon upang mabalikan natin ang tunay na pinagbabatayan o pinanggagalingan ng ating mga tradisyon, sa gayon, kahit ano pa mang pagbabago sa ating buhay, tulad ng pandemiya, ang ating pagmamahal sa ating Diyos ay hindi kailan man mawawala.
Manalangin tayo: O Diyos, huwag mo kaming hayaang makalimot sa umaapaw mong pagmamahal sa amin, na sa kamatayan at muling pagkabuhay ng Iyong Anak, kami ay iyong iniligtas. Amen.