Are You Fruitful?

This is a transcript of the video below. The video has subtitles in English.

Hitik ka ba sa bunga? Kapag dumating ang buwan ng Mayo, punong-puno ang mga bangketa ng mga iba’t ibang prutas. Panahon ng mangga, pakwan, santol at iba pa. Nasasarapan tayo sa halo-halo, shakes, at samu’t saring mga pampalamig sa tag-init.

Nakikinabang tayo sa pamumunga ng iba’t ibang mga puno. Kung hitik sa bunga ang isang puno, marami ang makakakain nito. Upang maging mabunga, hindi dapat maputol sa puno ang mga sangga. Kailangang manatili sa puno upang lumago at mamulaklak.

Wika ng Panginoon, “Ako ang puno, kayo naman ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako sa kanya ay mamumunga ng sagana.”

John 15:5

Nagiging mabunga tayo kapag ginagamit natin ang ating kakayahang galing sa Diyos, para sa paglilingkod sa kapwa.

Ngunit may ginagawa ang mga manggagawa upang lalong dumami ang bunga ng isang puno. Pinuputol nila ang mga sanggang natuyo at walang pakinabang. Sa gayon, lahat ng sustansiya na nangagaling sa puno ay pupunta sa mga buhay na sangga. Wika ng Panginoon, “Ang lahat ng sangang nasa akin ay pupungusin upang lalong mamunga.”

The life of a fruitful branch is due to the pruning of the Father, Jesus said in John 15:2. Pruning means removing dead branches; meaning, we are being pruned when we experience failure.

Nang nabigo sa San Pablo sa kanyang pagtuturo sa Areophagus sa Athens, lalong ginalingan niya ang kanyang pagtuturo. Ilang beses binigo ng mga alagad si Jesus, nguni’t kitang-kita na mas lalo silang naging matapat kay Hesus.

Pagnilayan po natin: Paano po ninyo naranasan ang pagpuputol ng Diyos sa mga parte ng iyong buhay na hindi nakatulong sa iyong pamumunga?

Manalangin tayo: O Diyos, paningasin mo ang pananampalataya at pag-asa ng iyong bayan upang manatili itong tapat sa iyong mahabaging puso. Amen.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: