This is a transcription of the video below: Subscribe to my Youtube channel by following the link below.
Paano natin patatatagin ang mahinang kalooban? Para sa mabungang-buhay, tayo na po’t magkape’t pandasal.
Paliko-liko ang ating buhay. Minsan dumadaan ang mga araw nang walang nangyayari, ngunit may mga araw naman na ginugulat tayo ng trahedya na panghabambuhay ang epekto nito sa atin tulad ng kamatayan, aksidente o kaya malubhang sakit. Sa lahat ng ito, kailangan ng katatagan upang malampasan natin ang mga bagyong ito. Subalit ayon sa mga pagaaral sa sikolohiya, nakakatulong sa personal na buhay ang mga paghihirap na ito. Hindi malaya sa pagdurusa at pagkabalisa ang sinumang matatag ang kalooban.
Tulad ng pagpapalaki ng ating mga katawan, kailangang tutukan at bigyan ito ng oras.
Unang-una, mahalagang kasama natin ang kapamilya’t kaibigan na nakakaunawa, nagbibigay-halaga at nakikinig sa atin. Pinapaalala ng mga pinagkakatiwalaan natin na hindi tayo nag-iisa. Nakakatulong din ang mga gawaing espirituwal, tulad ng pagdarasal, pagbabalik-tanaw, pagsusulat ng mga nangyayari sa kasuluk-sulukan ng ating puso’t isipan. Nakakatulong balikan ang mga magagandang alaala at pinagpapasalamatan upang lumago ang pag-asa.
Tumulong sa iba upang mahanap natin ang kahulugan at layunin ng ating buhay. Minsan nakakagaan sa kalooban ang makatulong kahit kailangan din natin ng tulong. Higit sa lahat, tumatatag ang ating kalooban kung natatanggap natin ang mga pagbabago sa buhay. May mga pangarap o layunin na kailangang isantabi.
Manalangin tayo: O Diyos, nawa’y patatagin at maibaling nawa namin ang aming kalooban sa mga bagay na maaari pang baguhin. Amen.
How to develop stronger resilience? For a fruitful life, join me in another episode of Coffee and Prayer. Kape’t Pandasal [Coffee and Prayer]
Life has its twists and turns. Sometimes days are eventless, however there are times when we experience traumatic events with more lasting impact, like a sudden death of a beloved, a life-altering accident, or a serious illness. Therefore, we need to strengthen our resiliency in order to overcome life’s storms. Psychologists say that difficult experiences also involve profound personal growth.
Being resilient doesn’t mean that a person won’t experience difficulty or distress.
Like body building, increasing your resilience takes time and intentionality. First it is important to connect with family and friends who empathize, understand, listen and validate our feelings. The people we trust remind us that we’re not alone. Spiritual practices help like praying, reflecting or mindful journaling. Ruminate on positive memories and gratitude for hope to flourish.
Help others to find meaning and purpose. Helping unburdens us, even if we too need help. Furthermore, we become resilient if we accept that change is a part of life. Certain goals or ideals may no longer be attainable as a result of adversity.
Let us pray: We pray, O Lord, for strength and focus on the circumstances that can still be repaired. Amen.