This is a transcript of the video below.
Ilang beses naulit na hindi ka nila lubusang naintindihan. Paano mo ba ipababatid ang gusto mong sabihin? Para sa mabungang-buhay, tayo na po’t magkape’t pandasal.
Maraming nasirang pagkakaibigan dahil sa hindi pagkakaunawaan. Maraming napikon din dahil hindi wasto ang pagkagawa ng dapat gawin. At maraming nagkatampuhan dahil lamang sa maling pag-aakala. Ayon kay San Marcos, ilang beses nagsabi ang Panginoon sa kanyang mga alagad na hindi pa rin naliliwanagan sa kahulugan ng kanyang mga turo at himala, lalo na ang pagpaparami ng tinapay. Wika ni Hesus,
“Bakit pinaguusapan ninyo na wala kayong tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaunawa at nakababatid? May mga mata kayo at di kayo nakakakita? May mga tainga at di kayo nakaririnig?”
Mark 8, 17-18
Paano ba ma-gets ng tagapakinig ang gusto nating sabihin? Unang-una, gawing simple ang mensahe. The key to effective communication is simplicity. Wika ni Napoleon Bonaparte, “Linawin, linawin, at linawin.” Isipin ang iyong tagapakinig. Mas mabuti kung kilala mo sila para maayon sa kanila ang iyong sinasabi. Be audience oriented. Naniniwala ang tao kapag ang tagapagsalita ay naniniwala din sa kanila.
Mahalagang ipakita ang totoo. Bago natin buksan ang ating bibig, mahalaga ang ating credibilidad. Panindigan ang iyong sinasabi, at sabihin ito na may matibay na pananalig. Wika ni Ferdinand Foch:
“The most powerful weapon on earth is the human person on fire.”
Ferdinand Foch
Higit sa lahat, himukin silang kumilos. Para saan ang ating mensahe kung hindi rin ito nakakabigay ng inspirasyon at lakas upang may gawing pagkilos.
Manalangin tayo: O Diyos, basbasan po ninyo ang aming mga labi upang maibahagi namin nang malinaw ang iyong Salita. Amen.
How many times have you been misunderstood? How do we communicate effectively? For a fruitful life, join me in another episode of “Coffee and Prayer.” Kape’t Pandasal [Coffee and Prayer]
Friendships were severed because of misunderstandings. Work outputs were mediocre because instructions were unclear. Many fell out of their relationship because of a misinterpretation of what was said. In the Gospel of Mark, Jesus complained about his disciples’ incomprehension of his teachings and his miracles, especially the multiplication of the loaves. He said,
“Why are you discussing that you have no bread? Do you not yet perceive or understand? Having eyes, do you not see; having ears do you not hear?”
Mark 8: 17-18
How can our listeners understand what we want to convey? First, simplify your message. The key to effective communication is simplicity. Napoleon Bonaparte said, “Be clear, be clear, be clear.” Know your audience so that your message can be appropriated to them. Be audience oriented. People believe in what you say if you likewise believe in them.
Be authentic. Before we open our mouths, remember that credibility is important. Speak with passion and a strong conviction. Ferdinand Foch said,
“The most powerful weapon on earth is the human person on fire.”
Ferdinand Foch
Furthermore, motivate them to action. Our messages are useless unless they inspire and strengthen people to act. Let us pray: “Lord, bless our lips so that we may clearly communicate your words to others. Amen.”