This is a transcript of the video below:
Paano mamaalam nang matiwasay? Para sa mabungang-buhay, tayo na po’t magkape’t pandasal.
Natalo si Manny Pacquiao sa laban niya kay Yordenis Ugas ng Cuba. Kailangan na ba niyang mamaalam sa kanyang career? Marami ang namighati sa pagyao ng kanilang mahal sa buhay lalong-lalo na sa Covid, ihihinto na ba natin ang buhay? Marami ding naghiwalay dahil sa iba’t ibang dahilan, paano na nga ba iwanan ang nakalipas? Hindi madali ang pamamaalam. Masakit sa damdamin. Mahirap tanggapin sa isip. Nakakapanibago dahil may nawala sa buhay.
Upang makaahon sa nakaraan, kailangan hilumin ang sugat sa pamamagitan ng pagdarasal.
Kailangang kilalanin muna ang malalim na sugat. Isulat at pangalanan ang karanasan ng iniwanan. Bigyan ito ng panahon dahil haharapin natin ang katotohanan sa ating sarili; masakit ang totoo. Maglaan ng oras para sa pagninilay. Habang nananatili tayo sa bahay, bigyan ng panahon ang magbalik-tanaw, mamangha, makinig sa pinakarurok ng ating puso. Bagaman masakit, bibigyan natin ng lubos na pansin ang ating mga sugat. Huwag pigilin ang luha, galit, at sisi. Bigyan ng oras ang pagluluksa. Ibuhos sa Diyos ang lahat nang nararamdaman.
Nakakatulong ang ritwal ng pamamaalam. Linisin at baguhin ang ayos ng kuwarto. Sunugin ang anumang makakaalala sa kanya. Baguhin ang ritmo ng buhay. Magpaganda at iba pa. Pagkatapos nito, i-aangkop natin muli ang ating buhay ayon sa ating bagong sitwasyon. Madalas, dito natin nakikita ang kahulugan ng karanasan ng katapusan sa panibagong buhay.
Manalangin tayo: O Diyos, hilumin nawa ninyo ang aming mga sugat upang mamuhay kaming matiwasay sa piling Mo. Amen.
How to peacefully bid your past goodbye? For a fruitful life, join me in another episode of Coffee and Prayer. Kape’t Pandasal [Coffee and Prayer]
Manny Pacquiao just lost against Cuban boxer, Yordenis Ugas. Should he quit? Many are distraught from the death of their loved ones from Covid, should they stop living? Many have separated for various reasons, how do they bid their past goodbye? Goodbyes are harrowing because they are hurting, tough to accept, and disorienting.
To be free from the past, we need to pray for healing.
We must acknowledge and identify our deepest wounds. Write and name each experience. Give time to face squarely the truth of ourselves. Truth is painful. Give time to reflect. While we are at home, set aside time to look back, wonder, and listen carefully to the deepest longings of our hearts. Though painful, we will give our full attention to our wounds. Do not prevent yourself from crying, anger, or resentment. Pour out everything to God.
Ritualizing your endings help. Clean and rearrange your room. Burn anything that would remind you of them. Change the rhythm of your life. Beautify. And then, adapt your life to the new situation. It is often at this stage that we find meaning in our endings vis-a-vis your new life.
Let us pray: Lord, heal our wounds so that we will be able to live in peace. Amen.