This is a transcript (Filipino and English) of the video below.
Paano ba ang Undas kung hindi tayo makakadalaw? Para sa mabungang-buhay, tayo na po’t magkape’t pandasal.
Mahirap ang Undas kung hindi tayo makakadalaw sa ating mga yumao dahil ipinagbabawal ang magkahawaan sa Covid. Hindi lang manganganib ang ating buhay, kundi madadamay pa nito ang ibang tao. Paano ba natin ipagdiriwang ang Undas sa ganitong sitwasyon? Balikan natin ang dahilan sa kabila ng ating tradisyon. Sa iba’t ibang kultura’t paniniwala, pinapahalagahan ang mga ninuno at mahal sa buhay na sumakabilang-buhay na bilang pasasalamat sa ating buhay. Kung sino man tayo ngayon ay utang-na-loob natin sa kanila.
Kaya sa bawat Undas, nagtitipon-tipon tayo bilang kapamilya’t kaibigan. Nakakatulong ang komunidad sa paghilom at pagtanggap sa katotohanang yumao na sila. Ipinagdarasal natin ang kanilang kaluluwa kasama ang hangaring maging mapayapa na ang kanilang buhay at malayo sa anumang sakit. Panghuli, sinasariwa natin muli ang alaala ng mga yumao. Nasa kaibuturan ng Undas ang tatlong bahaging ito na hindi nawawala kahit tayo ay magkahiwalay.
Maaaring gawin ito sa Zoom, Messenger o sa iba’t ibang apps na maaaring mag-group video call. Gumawa ng altar na naroroon ang larawan ng mga yumao, kahit isang memory ito sa social media. Magsindi ng kandila o maglagay ng bulaklak. Kung wala nito, ok lang din naman.
Manalangin tayo: O Diyos, ipagkaloob mo ang kapayapaan sa lahat nang yumao, kasama ang mga namatay nang walang saysay dahil mga biktima ng EJK at ng pandemiyang ito. Amen.
How to celebrate All Souls if we can’t visit the graves? For a fruitful life, join me in another episode of Coffee and Prayer. Kape’t Pandasal [Coffee and Prayer]
It is difficult to celebrate All Souls Day if you can’t visit the graves because of Covid restrictions. Visiting will not only endanger your life, but also that of others. How can we celebrate All Souls in this situation? Let us return to the reason why we have this tradition. In different cultures and beliefs, importance is given to ancestral recognition and honor as a form of gratitude. We owe to them who we are today.
That is why in All Souls, we gather as friends and family. The community helps in the healing and accepting process of death. We pray for the repose of their souls free from human pain and suffering. Finally, we refresh our memories by remembering them. These three elements are at the heart of All Souls Day and they are not lost when we are physically distant.
To gather, we can use various video conferencing platforms such as Zoom, Messenger, etc. To pray and remember, we can create a photo altar for those who died, including memories in our social media accounts. We can light a candle or add flowers. If you can’t do these, it is still acceptable.
Let us pray. O Lord, grant eternal peace to all who died, especially meaningless deaths such as victims of extra-judicial killings (EJK) and this pandemic. Amen.