What to do when you feel lost

This is a transcript of the video below.

Nawawala ka na ba sa landas? Simula ka sa pinakadulo. Para sa mabungang-buhay, tayo na po’t magkape’t pandasal.

Gulong-gulo ka na ba? Tila nawalan ka na ng direksyon? Pinapa-igting ng crisis, tulad ng pandemiya, ang pinakamalalim nating mithiin tulad ng kahulugan at layunin sa buhay. Upang maging malinaw ang ating pinatutunguhan, mainam na simulan natin ito sa pinakadulo.

Ang gusto nating makamtan sa kasukdul-sukdulan ay tinatawag na pangunahing layunin o ultimate goals.

Bilang Kristiyano, hangad nating makapiling nang lubusan ang Kristong Hari. Kaya maaaring paliko-liko ang ating landas, nguni’t hindi magbabago ang hangaring ito. Ultimate goals are non-negotiable. Halimbawa, hindi pwedeng isantabi ang maginhawang kinabukasan, kahit na magbago ang paraan upang matupad ito. Pwedeng pagkasunduan ang paraan, ngunit hindi magmamaliw ang mithi ng mapayapang kinabukasan.

Ano ang hangarin mo para sa ating bansa? Makakamtan ba natin ang magandang kinabukasan kapag nakabaon tayo sa utang, pinabayaan tayo sa pandemiya, pinamunuan tayo sa pamamagitan ng kasinungalingan, karahasan at pananakot? Kapag nilalayo tayo kay Kristo, maglalaho ang anumang magandang kinabukasan. Manalangin tayo: O Diyos, liwanagan mo nawa ang aming puso upang piliin namin ang magpapalapit sa piling Mo. Amen.


Do you feel lost? Start with the end in mind. For a fruitful life, join me in another episode of Coffee and Prayer. Kape’t Pandasal [Coffee and Prayer]

Are you confused? Do you feel you’ve lost direction? A crisis, such as a pandemic, surfaces our deepest desires like the longing for life’s meaning and purpose. To clear our path, it is reasonable to start with the end in mind.

What we truly desire is our primary or ultimate goal.

As Christians, our ultimate desire is our union with Christ the King. Our journeys may take different turns, but our desire will remain unchanged. Ultimate goals are non-negotiable. For example, we cannot set aside our desire for a peaceful future, even if our methods to achieve it changes. We can negotiate the means, but our ultimate goal for a peaceful future remains.

What is your deepest desire for our country? Will our dream for a brighter future be achieved if we are deep in debt, we are left on our own in the pandemic, and we are governed though disinformation, violence, and fear? If we are taken away from Christ, our dreams for a better future will also fade away. Let us pray: O Lord, enlighten our hearts so that our choice of a leader will bring us closer to you. Amen.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: