This is a transcript of the video below.
Samahan natin ang isa’t isa. Para sa mabungang-buhay, tayo na po’t magkape’t pandasal.
Marahil ipinagdiriwang natin ang araw ng kapaskuhan kasama ang pamilya’t kaibigan. Hindi tayo mapipigilang bigyan ng halaga ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesus, sa paraang face-to-face o online, gamit ang Zoom, Gmeet at iba pa. At habang nagbabakasyon tayo sa trabaho o sa pag-aaral, samantalahin natin itong pagkakataong kapiling, kasama, at kaakbay ang mga mahal sa buhay.
Ayon sa McCann Worldgroup Youth Study 2021, nakakaranas ng matinding kalungkutan ang 89 percent ng Generation Z, ang kasalukuyang kabataan ngayon sa Pilipinas. Ito ang pinakamataas sa Asia Pacific Region, kumpara sa 66% sa buong mundo. Ibig sabihin, mas lalong mahalaga palalimin ang koneksyon natin sa kanila.
Ito ang diwa ng Pasko. Ang Panginoong Hesukristo, ang ating Diyos, ay nanananahan sa atin, kasama, kapiling at nakikiisa sa atin. Hindi tayo iniiwanan ng Diyos. Sinasamahan niya tayo nang mas higit pa sa ating paglalakbay sa buhay. Ito din ang gawin natin sa mga kabataan, lalung-lalo na ngayon. Ito din ang gawin natin sa mga kapatid nating nasalanta ng bagyong Odette.
Manalangin tayo: O Diyos, naririto ka sa amin, nawa’y maging tulad ka namin sa mga taong nangangailangan ng aruga’t pagmamahal. Amen.
Merry Christmas to all of you! Let us accompany each other. For a fruitful life, join me in another episode of Coffee and Prayer. Kape’t Pandasal [Coffee and Prayer]
We spent Christmas with our family and friends. Nothing can prevent us from celebrating the birth of our Lord, Jesus Christ, whether face-to-face or online, using Zoom, Gmeet, etc. While we are on vacation from work and studies, let us take this opportunity to be with the people who matter to us.
According to the McCann Worldgroup Youth Study 2021, 89% of Generation Z in the Philippines, experiences a great loneliness. Generation Z (loosely born 1995-2010) are the current young people of the Philippines. This is the highest in the Asia Pacific region, compared to 66% globally. Thus, there are more reasons for us to deepen and strengthen our connections with them.
This is the spirit of Christmas. Our Lord Jesus Christ, our God, dwells with us. He is with us; one with us. God does not abandon us. He accompanies us closely in our life’s journeys. We should also accompany our youth, especially at this time. We should also accompany those who have suffered from the recent typhoon Odette.
Let us pray. Lord, you are with us. May we be like You to those who need our care and love. Amen.