This is a transcript of the video below:
Ano ang ireregalo mo sa Panginoong Hesus? Para sa mabungang-buhay, tayo na po’t magkape’t pandasal.
May mga tao ka bang kilala na ayaw magpakita? Kahit ano pa ang gawin mo: text, messenger, pinakiusapan sa kakilala, o hinanap sa Facebook, hindi sila magpaparamdam sa iyo. Nagdesisyon silang huwag magpakita sa iyo. Sa kabilang banda, ang matatagpuan mo ay ang mga kaibigan mong gusto ka ring makita. Ito ang kahulugan ng Epiphany o ang Pagpapakita ng Diyos sa atin: hangad ng Diyos na makita natin Siya, kaya nagpakita siya sa atin.
Dalawang uri ang tao sa mga Hudyo: sila at ang mga Hentil. Sa kuwento ng Pasko, nagpakita ang Diyos sa mga pastol at sa mga mago. Mga Hudyo ang mga pastol; mga Hentil naman ang mga mago. Samakatuwid, kinakatawan nila ang lahat ng tao. Sinasagisag nila ang hangarin ng Diyos na iligtas ang lahat ng tao.
Yeshua, ang pangalan ng Panginoong Hesus sa Hebreo; ibig sabihin, “God saves.” God saves all people, not just some people.
Dagdag rito, kilala din ng mga mago ang Panginoon. Makikita natin ito sa kanilang alay ng ginto, kamanyang, at mira. Ginto ang inaalay sa hari; kamanyang, sa mga pari; mira ang ginagamit sa patay—sagisag sa buhay na iaalay ng Panginoon para sa ating kaligtasan. Kung ikaw ay isa sa mga mago, ano ang iaalay mo kay Hesus?
Manalangin tayo: O Diyos, nawa’y lumalim ang pagkakilala namin sa Iyo, alang-alang sa pagsasabuhay ng aming pananampalataya. Amen.
I wish you a grace-filled new year! What gift will you bring to Jesus? For a fruitful life, join me in another episode of “Coffee and Prayer.” Kape’t Pandasal [Coffee and Prayer]
Do you know people who hide from you? Whatever you do: you texted them, used Messenger, talked to people they know, or stalk them on Facebook, they will not respond to you. They decided to disappear from your life. On the other hand, you will meet the people who would like to see you. This is the meaning of Epiphany or the Manifestation of God to all people. God desires that we recognize Him, that’s why, He showed Himself to us.
There are two types of people to the Jews: them or the Gentiles (non-Jews). In the Christmas story, God manifested Himself to the shepherds and to the Magi. The shepherds were Jews; the Magi were Gentiles. Therefore, they embody all people. They represent the desire of God to save everyone.
The Hebrew name of Jesus is “Yeshua” meaning, “God saves.” God saves all people, not just some people.
To add, the Magi have some knowledge of Jesus. This is proven by the gifts of gold, frankincense, and myrrh. Gold is offered to kings; frankincense is given to priests; and myrrh is used in death—a prediction of His life offering for our salvation. If you were one of the Magi, what would you offer to Jesus?
Let us pray.
Lord, may we deepen our knowledge of you for the living out of our faith. Amen.