This is a transcript of the video below:
Makinig nang buong puso. Para sa mabungang-buhay, tayo na po’t magkape’t pandasal.
Sinimulan ng Santo Papa ang proseso ng Synodality, kung saan hinihimok niya ang buong Simbahan na makinig sa isa’t isa, kasama ang mga Katolikong iniwan na ang Simbahan.
Pakay ng Synod ang maaninag ang galaw ng Espiritu Santo para sa buong Simbahan sa kasalukuyang panahon, kasama ang mga bagay na nangangailangan ng pagbabago sa Simbahan.
Nang nagisnan ni Maria at Jose ang batang Hesus na nakikipag-usap sa mga guro ng Templo, walang naganap na pagtatalo at pagkikipagdebate. Mas nanaig ang pagkamangha sa sagot at tanong ni Hesus. Samakatuwid, kapwa pinakinggan nila ang isa’t isa.
Paano nga ba makinig? Unang-una, mag-focus sa sinasabi. Huwag mong isipin ang isasagot. Ipakita na nakikinig ka. Tingnan ang mukha ng kausap; tumango kung nararapat. Hintaying matapos ang binabahagi bago ang paglilinaw o ang pagtugon. Nakakatulong din ang paglalagom lalo na kung mahaba ang ipinaliwanag. Kailangan lang natin pakinggan ang bawat isa para magkaisa at magkaunawaan.
Manalangin tayo: O Diyos, turuan mo kaming makinig nang buong puso upang marinig din namin ang Iyong tinig. Amen.
Listen with your heart. For a fruitful life, join me in another episode of “Coffee and Prayer.” Kape’t Pandasal [Coffee and Prayer]
Pope Francis began the process of Synodality. He encouraged the whole Church to listen to each other, including the Catholics who already left the Church.
The objective of the Synod is to glean the movement of the Holy Spirit for the whole Church in the present time, including emerging issues that needs to change in the Church.
When Mary and Joseph found Jesus in a conversation with the teachers of the Temple, there were no arguments or debate among them. What Scripture highlighted was awe at the question and answer from Jesus. In other words, they both listened to each other.
How do we listen? First, focus on what is being said. Do not think of what to say next. Show that you are actively listening. You can look at their faces and nod when appropriate. Wait for the person to finish sharing before any clarification or response. A summary helps especially if the explanation is long. We need to listen to each other for us to unite and to understand.
Let us pray: Lord, teach us to listen with our hearts, so that we will be able to listen to Your voice. Amen.