This is a transcript of the video below:
Paano maging forever ang pagmamahal. Para sa mabungang-buhay, tayo na po’t magkape’t pandasal.
Bahagi ng isang ugnayan, tulad ng pag-iibigan o pagkakaibigan, ang mithiing maging panghabang-buhay ito. Subali’t maraming nauwi sa unting-unting paglaho o paghihiwalay. Madalas nagsisimula ito sa maliit na bagay na hinayaang lumala nang lumala. Saan nagkulang?
Ang pagpapatawad ang sikreto ng pag-ibig na walang pagmamaliw. Kapag nagpapatawad, hindi ibig sabihin na tayo ay mali. Sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto,
“Hindi natutuwa ang pag-ibig sa kasamaan, kundi sa katotohanan.”
1 Corinthians 13:6
Sa katunayan, pinapakita natin na mas mahalaga ang taong iniibig natin, kaysa sa kanyang pagkakamali. Kapag nagpapatawad, pinapahalagahan din natin ang ating sarili. Bigyan ng panahon ang galit dahil mali, at ang luha dahil masakit. Dagdag dito ang pagtutuwid sa pagkakamali. Kapag handa na ang bawat isa para pag-usapan, bigyan ng panahon para pakinggan ang bawat isa. Higit sa pagiging tama, ang pag-ibig na walang hanggan.
Ang pag-ibig ay di kailanman magmamaliw (1 Cor 13:8); at wika ng Panginoong Hesukristo, gayon din ang pagpapatawad (Matthew 18:21-22).
Manalangin tayo: O Diyos, pabanalin mo ang aming puso sa pagmamahal at pagpapatawad. Amen.
How can love be forever? For a fruitful life, join me in another episode of “Coffee and Prayer.” Kape’t Pandasal [Coffee and Prayer]
In any relationship like those of lovers and friends is the desire for it to last a lifetime. However, many friendships fade and lovers fall out of love. It often starts with petty conflicts that worsen over time. Where did it all go wrong?
Forgiveness is the secret of a lasting relationship. It does not mean the offense is ok or that you’re wrong. St. Paul wrote to the Corinthians,
“Love does not rejoice in wrongdoing, but rather in the truth.”
1 Corinthians 13:6
In fact, we show that the person we love is more important than the offense. When we forgive, we also value ourselves. We acknowledge our anger for its offense, and our tears for its pain. In addition, forgiveness corrects what’s wrong. Only when both are ready to talk, give time to listen to each other. More than being right is the love that doesn’t fade.
Love never fails (1 Cor 13:8), and as Jesus said, forgiveness does not fail either (Matthew 18:21-22).
Let us pray. Lord, make our heart holy with love and forgiveness. Amen.