Anong Pangarap ang Nakikita Mo?

Meron akong proposal sa inyong lahat. Madalas nating ginagamit ang salamin. Kung napanood ninyo ang unang pelikula ng Harry Potter, may isang salamin na tinatawag nilang The Mirror of Erised. Kung babaliktarin ninyo ang Erised, magiging desire. Nung tinitingnan ni Harry Potter ang salamin, nakikita niya ang kanyang yumaong mga magulang. Gagamitin natin ngayon angContinue reading “Anong Pangarap ang Nakikita Mo?”

Rate this:

Tama Ba ang Debosyon natin sa Sto. Nino?

Isang pagre-respeto ng proseso ng paglaki at paglago ang debosyon ng Sto. Nino. Nauunawaan natin na ang bata ay unti-unti at hinay-hinay itong tumatanda. Hindi maaaring madaliin ang anumang pagtubo. Pinagpaplanuhan, pinagtiya-tiyagaan at pinagsisikapan ang kahit na anong paglalago, tulad ng isang magulang na nagpapalaki ng anak. At tulad nang sinabi sa Ebanghelio, tuloy-tuloy angContinue reading “Tama Ba ang Debosyon natin sa Sto. Nino?”

Rate this:

Bigyang Puwang ang Ating Nakatatanda

Buhay pa ba ang iyong mga lolo at lola? Sa aking mga misa sa umaga laging nakikita kong nagsisimba ang mga matatanda. At lagi nilang sinasabi na sila’y naiiwanan na lamang ng kanilang mga anak. Sa ibang bansa, nilalagay na lamang sila sa Home for the Aged. Buti na lang nasa kultura pa rin natinContinue reading “Bigyang Puwang ang Ating Nakatatanda”

Rate this:

Paano Susuriin ang Sarili

  Habang ninanamnam natin ang masarap na bakasyon sa nakaraang Pasko, nararapat lamang na magbalik-tanaw sa nakaraan upang lalung palalimin ang natutuhan sa mga nagdaang karanasan. Ang pagbabalik tanaw na ito ay makakatulong sa pagkakataong baguhin ang buhay natin sa bagong taong ito. Maari nating gamitin itong tatlong tanong na galing kay San Ignacio deContinue reading “Paano Susuriin ang Sarili”

Rate this:

Ipunin Natin ang Biyaya ng Nakaraang Taon

  Tinatago mo ba ang mga Christmas o birthday cards na binigay ng iba’t ibang mahal mo sa buhay? Ako, oo. Inaamin kong sentimental akong tao: mahalaga sa akin ang mga ebidensya ng pagmamahal, maging card man ito, sulat o litrato. Sa aking upisina, meron akong tinatawag na inspirational wall kung saan nakalagay ang iba’tContinue reading “Ipunin Natin ang Biyaya ng Nakaraang Taon”

Rate this:

Ibaling natin ang Ating Puso sa Diyos ng Liwanag

Lumaki si Yuan, 10-taong gulang, sa isang bahay-ampunan. Isang madaling-araw, nagising siya. Bagaman madilim pa, alam niyang hindi magtatagal at magbubukang-liwayway na. Hindi kalayuan mula sa bahay-ampunan may isang napakagandang lawa at biglang naramdaman niya ang kabig ng isang hangarin. Gusto niyang makita ang unti-unting pagsikat ng araw sa kalangitan mula rito.    Ngunit mahigpitContinue reading “Ibaling natin ang Ating Puso sa Diyos ng Liwanag”

Rate this:

Makilahok sa Plano ng Diyos

Minsan magkasamang nagtatanim sa hardin si Lola Indang at si Lilia, ang kanyang apo. Sinusuri nila ang mga butil ng iba’t ibang bulaklak. Wika ni Lilia, “Kakaibang mumunting mga pangako itong mga butil. Maliliit na pangako ang bawat isa sa kanila, di po ba, Lola?” “Tama ka, apo,” sagot ni Lola Indang. “Bawat butil ayContinue reading “Makilahok sa Plano ng Diyos”

Rate this:

Hanapin ang Direksyon ng Ating Buhay

Mahalaga ang ating mga pangarap. Nagbibigay ito ng kahulugan, direksyon at kaayusan sa ating buhay. Mas maayos ang paglalakbay sa buhay kung alam natin kung saan tayo tutungo. Kung dumating ang panahong nagsasanga-sanga ang landasin, ang ating pinakamalalim na mithiin ang gagabay sa ating paglalakbay sa buhay. Bilang mga manlalakbay sa mundong ito, piliin natinContinue reading “Hanapin ang Direksyon ng Ating Buhay”

Rate this:

Hanapin ang Pinakarurok ng ating mga Pangarap

Sinasabi sa kasulukuyan nating karanasan na mahirap matagpuan ang pinakarurok ng ating mga puso. Mahirap linawin sa ating isip ang tunay nating nag-iisang mithiin. Hindi dahil wala tayong hinahangad, kundi dahil marami tayong gustong mangyari sa buhay. At dahil sa iba’t ibang uri ng mithiin, marami sa atin ang nawawala: hindi na nakikita ang nagbibigayContinue reading “Hanapin ang Pinakarurok ng ating mga Pangarap”

Rate this: