Nagbago ba ang inyong buhay-pananampalataya sa panahon ng quarantine? Kung kailan nagkaroon ng Enhanced Community Quarantine dahil sa Covid19 virus, maraming mga kuwentong-pananampalataya ang lumalaganap sa Facebook, Twitter at Instagram. Meron nagsabi sa akin na araw-araw na siyang nagsisimba online. Meron ding nagbahagi na ang kanilang pagdarasal ay naging pampamilya, samantala noong wala pa angContinue reading “Pagbabago sa Buhay-Pananampalataya sa ECQ”
Tag Archives: faith
Kalungkutan: Isang Biyaya?
Bakit hindi napapawi ang ating kalungkutan? Madalas dinadapuan tayo ng lungkot, minsan saglit kung biglang naalala mo ang iyong pamilya; o minsan, sa isang malaking handaan; o minsan, sa kalayuan tulad ng mga dinadanas ng maraming OFWs. Nangagaling ang kalungkutan sa isang uhaw na nasa pinakarurok ng ating puso. Natural sa atin ang hanapin angContinue reading “Kalungkutan: Isang Biyaya?”
On Faithlife: Mahalaga Pa Ba Ang Pananampalataya? Si Aaron at ang Rabbi
Isang araw, lumapit si Aaron sa kanyang rabbi, “Rabbi, sabi ng aking mga kaibigan na wala na daw kuwenta ang relihiyon. Marami naman itong itinuturo pero wala namang epekto lalung lalo na sa mahihirap. Tama po ba?” Pinag-isipan ng Rabbi ang kanyang sasabihin, hanggang naisip niyang samahan si Aaron sa labas ng sinagoga. Nakita nilaContinue reading “On Faithlife: Mahalaga Pa Ba Ang Pananampalataya? Si Aaron at ang Rabbi”
Kuwento: Ang Bulaklak sa Iskinita
Nakatira si Charisse sa madilim na iskinita sa looban ng Balintawak. Ngunit nanalo siya sa isang paligsahan ng bulaklak. Nang itinanong sa kanya kung paano niya inalagaan ang kanyang mga bulaklak, samantalang madilim ang kanyang tinitirhan, ibinunyag niya ang kanyang sikreto. Tugon ni Charisse, “Nakakapasok sa iskinita ang isang maliit na sinag ng araw. PagdampiContinue reading “Kuwento: Ang Bulaklak sa Iskinita”
Kuwento: Ang Haring Gustong Makita ang Diyos
May isang hari ang gustung-gusto makita ang Diyos. Pinilit niya ang mga pari at dalubhasa ng kanyang kaharian na ipakita sa kanya ang Panginoon, ngunit wala sa kanila ang nakapagpakita sa kanyang matinding hangarin. Isang araw, inanyayahan siya ng isang magsasaka na sumama sa kanyang bukid. Sumama naman ang hari at tanghali na sila nakarating.Continue reading “Kuwento: Ang Haring Gustong Makita ang Diyos”
Kuwento: Ang Mangingisda at Ang Turista
May kwento ako: Isang araw, naglalakad sa tabing-dagat ang isang napakayaman na turista. Nakita niya ang isang mangingisdang namamahinga sa ilalim ng punong niyog katabi ang kanyang bangka. Anya, “Bakit wala ka sa laot? Hindi ba’t dapat kang nangingisda?” “Sapat na po ang aking nahuli,” tugon ng mangingisda. “Bakit hindi mo damihan ang iyong hinuhuli?”Continue reading “Kuwento: Ang Mangingisda at Ang Turista”
Sino ang Mas Mabuti: Yung nasa kuwarto at walang nasasaktan, o yung tumutulong nguni’t nagkakamali?
Sapat na ba sa ating mga Kristiyano ang sundin ang Sampung Utos na ibinigay ng Panginoon kay Moises sa Bundok ng Sinai? Ikinuwento ni San Marcos ang isang binatang tumakbo kay Hesus at paluhod na nagtanong, “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang matamo ang buhay na walang hanggan?” Inisa-isang binanggit ni Hesus angContinue reading “Sino ang Mas Mabuti: Yung nasa kuwarto at walang nasasaktan, o yung tumutulong nguni’t nagkakamali?”
Paano Ka Magiging Tinapay ng Buhay
Maging isang mahusay na pintor ang pangarap ng magkapatid na si Albert at Albrecht Durer. Pangarap nilang makapag-aral sa Akademiya sa Nuremberg; ngunit hindi nila kayang sustentuhan ang kanilang pag-aaral. Kaya nag-isip sila ng paraan: habang ang isa sa kanila ay nagaaral; nagtatrabaho naman ang isa. Nanalo si Albrecht sa pustahan kaya si Albert angContinue reading “Paano Ka Magiging Tinapay ng Buhay”
Hindi Hinihintay Ang Himala
Naghahanap ka ba ng himala sa iyong buhay, bago mo tuluyang masabi na may pananalig ka sa Diyos? Laman ba ng iyong panalangin ang maraming kondisyon bago ang iyong pangakong aanib sa Diyos habang-buhay? Halimbawa, namamanata ka sa Diyos na magsisimba tuwing Linggo, KUNG ipapasa ka Niya sa iyong board or bar exam? Nangangako kaContinue reading “Hindi Hinihintay Ang Himala”
Part II. Why You Will Love Siquijor – The Town of Lazi
Roland Borja (Mobile: 0926-8061594) picks me up at around 9:00 AM. Tricycle drivers in Siquijor have been empowered by the government to be tourist guides. He said that the coastal tour of the whole island only takes a day. From the town of San Juan, we travel to one of the most beautiful and historicalContinue reading “Part II. Why You Will Love Siquijor – The Town of Lazi”
Tucson, Az: Mission San Xavier del Bac
On January 2011, I was one of the visitors who flocked to the Mission San Xavier del Bac, one of the few Spanish colonial missions in the US still serving the native peoples it was built for. I was on Tertianship, the last stage in Jesuit formation. Together with my fellow priests, I was coming fromContinue reading “Tucson, Az: Mission San Xavier del Bac”
Magkatugma ba ang iyong panlabas at ang iyong panloob?
Nang sumabog sa buong media ang pagkamatay ni Robin Williams, maraming mga komentaryo ukol sa buhay ng mga komedyante. Sabi ng isa, ang nagpapatawa sa atin, ay siya namang kailangang pangitiin. Kaya may tanong ako: may mga oras ka bang nagkukunwari? Nakikita sa labas ang iyong ngiti, ngunit lingid sa kanila, ang iyong pighati? GinagampananContinue reading “Magkatugma ba ang iyong panlabas at ang iyong panloob?”
Gawing Isang Tagumpay ang Anumang Kabiguan
Ang bawat tagumpay at kabiguan ay maaaring maging kaban ng impormasyon at karunungan – KUNG papayagan natin ito. Nakikita natin ang ating mga kakayahan sa tagumpay, ngunit mas mahalaga ang mapupulot natin sa mga kabiguan. Sa ating mga kabiguan, makikita natin ang ating mga maling pag-aakala at paniniwala, kahinaan, masamang pag-uugali, pagpapabaya o kaya’y mgaContinue reading “Gawing Isang Tagumpay ang Anumang Kabiguan”
Paano Magpalaki ng May Paninindigan ang Anak
Paano ba magpalaki ng mga anak na may pinaninindigan at prinsipyo sa buhay? May matututunan tayo sa mga coffee shops sa ating paligid. Hindi ba tayo nagtataka kung bakit mahal ang kape? Ang hindi natin alam, binabayaran natin ang tinatawag na “ambience.” Ang ambience ay ukol sa ating kapaligiran. Ang mga values o pinapahalagahanContinue reading “Paano Magpalaki ng May Paninindigan ang Anak”
Ang Sukatan ng Tagumpay ay Nasa Lalim ng Naratnan
Happy Easter po sa inyong lahat! Ngayon po ipinagdiriwang natin ang tagumpay ni Kristo sa kamatayan! Ano nga ba ang tagumpay? Nasusukat ba ito sa taas ng iyong pinag-aralan, o sa posisyon na iyong hinahawakan? Sino ba ang matagumpay: ang isang mayor na nangungurakot o ang isang janitor na may malasakit? Sa mata ng mundo,Continue reading “Ang Sukatan ng Tagumpay ay Nasa Lalim ng Naratnan”