Ang oras na ginugugol natin para sa mga taong mahalaga ang labis na nakakatulong upang maging masaya sa buhay. Ayon kay Dr. Tsiki Davis, “one of the best things you can do for your happiness is to build meaningful relationships and social connections.” Ilang kaibigan ba ang kailangan upang maging masaya? Tatlo hanggang sa limangContinue reading “Bigyan ng Oras ang mga Mahal sa Buhay”
Tag Archives: kaligayahan
Lawakan ang Iyong Pag-iisip
Saan mo gustong pumunta? May balak ka bang mag-explore, mag-travel, o subukan ang hindi mo pa nagagawa, tulad ng hiking o diving? Isa sa mga usong gawin ngayon ang bisitahin ang iba’t ibang lugar sa ating bansa. Dahil sa mga budget fares, nagiging magaan sa bulsa na rin ang pumunta sa ibang bansa. Mas kakaibaContinue reading “Lawakan ang Iyong Pag-iisip”
Maganda ang aking Pakiramdam Kapag Gumawa Tayo nang Mabuti
Labis akong natutuwa sa mga first-time na ma-inlove. “Pads, na-fall ako,” sabi ng isa sa kanila. “Na-fall” ang tawag ng kabataan kapag sila ang “na-fall-in-love.” Natutuwa ako kasi sa murang edad nararanasan na nila ang isa sa mga sikreto ng kasiyahan sa buhay—na ang tunay na kaligayahan ay natatagpuan sa pagmamahal ng ibang tao, oContinue reading “Maganda ang aking Pakiramdam Kapag Gumawa Tayo nang Mabuti”
Tiyakin na ikaw ang may kontrol sa social media, at hindi ang social media ang may hawak sa iyong buhay.
Sino ba ang lagi mong katabi? Ang iyong mahal sa buhay o ang cellphone? Marami sa atin ang adik sa social media. Naaaliw tayo sa mga posts ng ating mga fina-follow, at mas madalas, naiinggit tayo sa kanilang mga ginagawa. Nangangarap tayong maabot ang kanilang narating, kaya #SANAALL ang ating hashtag. Ang lahat ng teknolohiyaContinue reading “Tiyakin na ikaw ang may kontrol sa social media, at hindi ang social media ang may hawak sa iyong buhay.”
Magalaga ng Paboritong Hayop
Upang hindi tayo nabuburyong, o naririndi dahil tayo’y nag-iisa sa ating kuwarto, mainam na mag-alaga ng aso, pusa, isda, atpb, depende kung anong hayop ang iyong paborito. Adopt a pet. Halimbawa, nakakatuwang tingnan ang mga taong nag-aalaga ng aso. Ako naman, isda ang gusto kong alagaan. Kinagigiliwan natin ang ating mga alaga. Nakakatuwa kapag tayo ayContinue reading “Magalaga ng Paboritong Hayop”
Respetuhin din ang Sariling pangangailangan
Mahirap ka bang humindi? Lalo na kapag kapamilya ang nangangailangan, kadalasan hindi natin natatanggihan ang kanilang mga hinihiling. Sinasabi natin na nakakahiya naman, o kaya, nakakaawa. May mga kapamilya tayong nagtatrabaho sa ibang bansa na mabigat ang batahin dahil sinusuportahan nila ang kanilang buong pamilya’t kamag-anak. Nag-aakala ang mga kababayan natin dito sa Pilipinas naContinue reading “Respetuhin din ang Sariling pangangailangan”
Iwasan ang Labis na Paghuhusga
Aminin natin o i-deny, lahat tayo ay humuhusga. Share ko lang ang madalas kong pagpuna sa iba lalo na sa larangan ng ideya, prinsipiyo o posisyon sa iba’t ibang isyu sa lipunan. Totoong, kailangan ang kritikal na pag-iisip lalo na sa paglutas ng problema, o pag-unawa sa isang kumplikadong proseso o sitwasyon. Ngunit may tinatawagContinue reading “Iwasan ang Labis na Paghuhusga”
Isang Matatag na Barkada ang Nakakatulong sa Ating Kaligayahan
Panahon ng pagpapalalim at pagpapalago ng mga ugnayang importante sa ating buhay ang kapaskuhan. Hinihimok sa ating lahat na alalahanin ang mga matatatag na samahan na nagpapaligaya sa atin. Importante sa ating buhay ang “sense of belongingness.” Ito ang pakiramdam na kabilang ka sa isang pamilya, barkada o kalipunan. Meron kang kasama sa kainan, laro,Continue reading “Isang Matatag na Barkada ang Nakakatulong sa Ating Kaligayahan”