DSC_0089

Ash Wednesday: Inner and Communitarian Conversion

DSC_0038“Repent and believe in the Gospel” (Mark 1:15)

Ash Wednesday is the beginning of our journey of Lent, the liturgical season that prepares us for Easter. It is a time when we, together with other Christians, Protestants and evangelicals, unite ourselves with the passion, death and resurrection of Christ. It is a season of prayer and fasting.

Ash Wednesday comes 40 days before Easter Sunday (we do not count the Sundays). It comes from the ancient Jewish tradition of penance and fasting. In the Book of Job (42:6), Job repented in dust and ashes, the same way, Mordecai in the Book of Esther, put in ashes and sackcloth when King Xerxes of Persia (485-464 BC), decreed to kill all Jews in his empire. Daniel, in prophesying about the Babylonian Captivity (550 BC) wrote, “I turned to the Lord God, pleading in earnest prayer, with fasting, sackcloth, and ashes” (Daniel 9:3). Jesus also mentions ashes when he remarked referring to towns that refused repentance, “If the miracles worked in you had taken place in Tyre and Sidon, they would have reformed in sackcloth and ashes long ago” (Matthew 11:21). The Church had picked up the imposition of ashes since then.

And therefore, we wear ashes in the form of the cross on our foreheads to publicly symbolize our penance and repentance. The ashes symbolize the dust from which God made us. As the priest applies the ashes to a person’s forehead, he speaks the words: “Remember that you are dust, and to dust you shall return” (Genesis 3:19). Alternatively, the priest may speak the words, “Repent and believe in the Gospel,” following Jesus exhortation in Mark 1:15.

Today, we shall use the words, “Repent and believe in the Gospel.” What do these words mean?

The first reading from the prophet Joel speaks about God’s call to repentance and conversion. There was a plague of locusts that destroyed Judea, and only God can save them from the calamity. So, there was a need for fasting and repentance.

But the prophet Joel insisted on inner conversion, “Return to me with all your heart” (2:2). Our heart is the deepest depths of our person, and therefore, it is not a conversion that is superficial and transient, but that which transforms all of our lives and the lives around us. In fact, God will ask that this repentance be done “in tears” – that is in genuine, honest and authentic mourning. That is why, every break up that affects the whole of ourselves is called, “heartbreak.”

This “return with all our hearts” extends to our community. God summons the prophet Joel, “Gather the people. Sanctify the congregation; assemble the elders; gather the children, even nursing infants. Let the bridegroom leave his room, and the bride her chamber” (2:16). This is the reason why we are all doing this together, as one community. In Australia, they have a “National Day of Mourning” to repent for the atrocities they have done towards the aborigines, their indigenous people. The ashes makes a statement: we are confessing our sins to one another, as we say in the Confiteor, “I confess to Almighty God and to you, my brothers and sisters, that I have gravely sinned, in my thoughts and in my words, in what I have done and in what I have failed to do.”

DSC_0048What then should we do? How do we show our genuine and heartfelt repentance and belief in the Gospel, who is the person of Jesus? Jesus suggests these in the Gospel today.

And just as we confessed that we have sinned in what we have done and what we have failed to do, then our form of repentance also takes on action. Thus, Jesus suggests to us three works of mercy: prayer, fasting and almsgiving. But, we are not to publicize our good works.

Pope Francis said in his homily:

“When you do something good, almost instinctively born in us is the desire to be respected and admired for this good deed, to obtain a satisfaction. Jesus invites us to do these works without any ostentation, and to trust only in the reward of the Father “who sees in secret” (Mt 6,4.6.18).

I remember one of the booths made by the campus ministers to the past high school fair. You had to buy a pot of clay. Then you throw the pot with all your might at the wall where several sins are written. During the EDSA revolution in 1986, we protested, “Tama Na, palitan na!” (Enough! Let’s change her!).

Let’s use, “Tama Na, Palitan Na!” for the following:

When we neglect our studies with our sheer laziness: Response

When we bully, hurt and betray our friends and those who are weaker than ourselves: Response

When we have not respected our planet, by not throwing our garbage to the proper bins: Response

When we have been ungrateful to the people who love us, such as our parents and our teachers: Response

When we have been free loaders in many of our school projects: Response

When we have not loved enough because we have been more concerned about ourselves: Response

***

Let me end with the words of Pope Benedict XVI said in his homily, dated 18 February 2010.

“’Repent and believe in the Gospel’ is not only at the beginning of the Christian life, but accompanies all its steps, [this call] remains, renewing itself, and spreads, branching out in all its expressions.

Every day is a favorable moment of grace, because each day invites us to give ourselves to Jesus, to have confidence in him, to remain in him, to share his style of life, to learn from him true love, to follow him in daily fulfilling of the will of the Father, the only great law of life — every day, even when difficulties and toil, exhaustion and falls are not lacking, even when we are tempted to abandon the following of Christ and to shut ourselves in ourselves, in our egoism, without realizing the need we have to open to the love of God in Christ, to live the same logic of justice and love.”

 

The arc of an angel at the church entrance welcomes the morning sun rising from the sea. Boljoon, Cebu. Photo: Fr. Jboy Gonzales SJ

Abo ng Ating Buhay

Kape't PandasalSa Miyerkoles na ang Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, kung saan gagamitin natin ang abo para sa pagmamarka ng krus sa ating mga noo. Sa pagmamarkang ito magsisimula ang Panahon ng Kuwaresma ng mga Kristiyano. Hinihingi sa panahong ito ang isang mas malalim na pagninilay, pagdarasal at pagbabalik-loob sa Diyos.

Ang palaspas o palm branches na ginamit sa Linggo ng Palaspas ay susunugin bukas, Martes. Ang abo nito ang gagamitin natin. Sa lumang tipan, ang abo ay para sa panahon ng pagsisisi, lalung-lalo na kapag ukol ito sa kasalanan na sumisira sa ugnayan natin sa Diyos. Bakit abo? Ang lahat ng bagay kapag nasunog, nasira at naagnas ay nauuwi sa abo. Ito na ang pinakamababang nararating ng anumang bagay.

Ipapaalala sa Miyerkoles na tayo ay nangaling sa abo at sa abo rin tayo babalik sa katapusan ng ating buhay. “You came from dust and from dust you shall return.”

Mahalagang lumingon sa pinanggalingan, sabi ni Gat Jose Rizal. Ang sinumang marunong tumanaw sa ating pinagmulan ay makakarating sa paroroonan. Kapag mulat tayo sa ating pagkamakasalanan, mas lalung nanaisin natin ang kaligtasan; kapag alam natin na kulang ang ating nalalaman, nabibigyan tayo ng inspirasyong mag-aral; kapag alam natin ang ating kahinaan, mas hihingi tayo ng tulong sa ibang tao.

Manalangin tayo: Panginoon, bigyan mo po kami ng pusong labis ang pagsisisi sa aming mga kasalanan, upang maging mabilis ang aming pagbabalik-loob sa iyong piling. Amen.”

Children taking their lunch together at the Camp Philips Soccer Field. Photo: Fr. Jboy Gonzales SJ

Ano-anong mga patakaran sa iyong bahay ang hindi ka sumasang-ayon?

Kape't PandasalAng mabubuting mga magulang ang siyang laging nasa isip ang kapakanan ng kanilang mga anak. Dahil dito, may mga patakaran sa bahay: may hindi pwedeng gawin at mayroon namang dapat gawin. Pinagbabawal sa mga bata ang makakasama; at pinaghihimok ang mga makakabuti sa kanila.

Ngunit, isang pagkitil sa kalayaan ang pagtingin ng mga bata sa anumang batas. Para sa mga bata, gusto nilang gawin ang gusto nila tulad ng maglaro ng computer sa halip na mag-aral, manood ng TV hanggang hatinggabi, pumunta sa mall kasama ang barkada kahit na may exam sa susunod na araw, o kaya, piliin ang kaibigan nila kahit bad influence sila sa kanilang mga anak.

Hindi nakikita ng mga bata na ang mga patakaran ng kanilang mga magulang ay galing sa labis na pagmamahal.

Ganito din tayo sa Diyos. Para tayong mga bata sa Diyos, maliban sa ang Diyos ay hindi nagkakamali. Ang anumang utos niya ay pawang para sa ating mabuting kapakanan. Sabi ni Moises ukol sa Sampung Utos: “Tupdin ninyo ang Utos ng Diyos upang maipakita niyo ang iyong karunungan!”

Manalangin tayo upang magkaroon tayo ng lakas tupdin ang loob ng Panginoon dito sa lupa katulad nang sa langit.

Children take their lunch break at one of the benches at the Camp Philips Soccer Field. Photo: Fr. Jboy Gonzales SJ

Maligaya ka ba?

Kape't PandasalMaiba naman ang mood ng ating mga pagninilay. Maligaya ka ba?

Pagninilayan natin ngayon ang ligaya, ang “joy” sa ating buhay. Ang joy o ligaya ay mas malalim kaysa sa mga karanasang kilig kung nakita mo ang iyong ‘crush’ o kaya ang saya kapag kasama ang barkada. Ang ligaya ay mas malalim, hindi nakabatay sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng kilig o saya. Ang tunay na ligaya ay lumalampas sa ating mga pang-araw-araw na problema.

 

Nararamdaman ang saya kapag ito ay binabahagi: a ‘shared’ joy. Sa kabila ng ating mga pagkakaiba, may sigla sa ating pagsasama at pagkakaisa. Sa kabila ng ating problema tulad ng trapik, pangungurakot at mahinang pamumuno, may saya pa rin dahil may sabay-sabay nating dinadala at sinusubukang lutasin ang lahat ng mga ito. At higit sa lahat, hindi tayo nawawalan ng pag-asa.

Tayong mga may pananampalataya ay minsan mahirap maunawaan. Sa mga nasalanta sa Samar noong bagyong Nona, ito pa rin ang sinasabi nila: Nagpapasalamat sila dahil kahit nagiba ang kanilang bahay, buhay na buhay pa rin sila.

Ito rin ang makikita natin sa mga mahihirap, kaya nilang tumawa sa gitna ng kanilang pagdurusa. Ang ligaya na ito ay biyaya ng Diyos sa atin.

Manalangin tayo: Panginoon, bigyan niyo po kami ng ligaya na galing sa pinakarurok ng aming puso; ang ligayang tumatawid sa amin sa kabila ng aming pinagdadaanan. Amen.

DSC_0086

Cheap Eats Made Gourmet

Featured photo: Century Egg and Jellyfish Strips

***

I love pictures. I follow the photos of National Geographic @natgeo , Fantastic Earth @fantastic_earth and Abandoned Earth @abandonedearth and many great photographers on Instagram. I have been taking photographs since acquiring a point-and-shoot camera when I was a young priest to document spiritual activities (to say that attending a silent retreat is exciting!), religious music events (to promote Jesuit music) and other things Jesuit (to show that Jesuit life is worth considering!).

These photos have been taken from our retreat evaluations. Grade 11 retreats usually end after mass late in the afternoon. After departing from Angono, Rizal, the campus ministers and I would head back to the Ateneo, stopping by at any restaurant along the way. The choice of a place to dine and to discuss is determined by a modest budget. So my hashtag #OrdinaryFoodMadeSosyal or #StreetFoodMadeGourmet is just fun and creative, making any cheap eats look expensive and elegant!

I’ve taken these eats from Tien Ma along Libis. All Chinese for now. Note that these foods were not presented this way. Enjoy!

Chicken Topping

Food

 

Pansit or Seafood Noodles

 

Food

Oolong Tea

 

Food

 

Xiao Long Bao (Dumpling with Soup)

 

Food

 

 

Hot and Sour Soup

 

Food

A man prays to the Sto. Nino de Cebu at the St. Catherine the Great Cathedral, Dumaguete City. Photo: Fr. Jboy Gonzales SJ

Hamon ng Debosyon sa Sto. Niño

Kape't PandasalSa banda ng kabisayaan tulad ng Cebu, Iloilo, Aklan, at pati sa Prague, Italia o sa Columbia, pinagdiriwang ang Santo Niño, ang batang Hesus. At marami sa ating mga Pilipino ang may debosyon at pagmamahal sa Niño. Ngunit mainam na tingnan ang mas malalim na dahilan ng debosyong ito.

Pinagninilayan sa mga debosyon sa Sto. Niño ang mga kuwento ukol sa pagkabata ni Hesus na nakasulat sa Ebanghelio si San Lukas at San Mateo. Dito tinitingnan ang pagsasaatin ng Diyos o tinatawag nating, the Incarnation: ang pagsasakatawang-tao ng Diyos sa atin.

Ang debosyon natin sa Santo Niño samakatuwid ay humahamon sa atin ng ating mismong presensya sa ating kapwa.

May isang batang nagising sa napakasamang panaginip. Tinawag niya ang kanyang nanay at hiningi na tabihan siya sa kanyang pagtulog. Ngunit sumagot ang kanyang nanay: “Anak, huwag kang matakot, binabantayan tayo ng Diyos.” Sagot ng anak: “Alam ko po iyon, ‘nay, pero kailangan ko katabi at kayakap.”

Ayon sa isang pagaaral ng Harvard, isa sa sanhi ng problema ng depression o suicidal tendency ng mga bata ay dahil sa mga magulang na laging wala sa kanilang piling. At hindi ba, hinahanap natin ang mga namumuno sa atin na magpakita lamang sa atin?

Manalangin tayo: Panginoon, sa aming debosyon sa iyong Anak na si Hesus, nawa’y tulad niya na nagkatawang-tao at naging kasama namin, nawa kami rin ay maging kasama ng mga taong walang makasama sa buhay. Amen.”

SM 80

Alalahanin ang ating mga Nakakatanda

Kape't PandasalBuhay pa ba ang iyong mga lolo at lola? Sa aking mga misa sa umaga laging nakikita kong nagsisimba ang mga matatanda. At lagi nilang sinasabi na sila’y naiiwanan na lamang ng kanilang mga anak.

Sa ibang bansa, nilalagay na lamang sila sa Home for the Aged. Buti na lang nasa kultura pa rin natin ang alagaan sila. Malaki ang silbi nila sa ating buhay-pananampalataya, at seryoso, hindi lamang sa pagnonobena o pagrorosaryo.

Naalala ko ang aking lola. Mayroon siyang isang prayer book kung saan nakaipit ang iba’t ibang stampita. Kadalasan naka-ikot kami sa kanya habang pinapakita niya ang iba’t ibang stampita. Sa bawat stampita meron siyang kuwento ukol sa kanyang mga kapatid o magulang. “Nagmana ka sa kanya, kasi magaling siya sa musika.”

Sa kanyang mga kuwento, nagkakaroon ng hugis at ugat ang ating identity bilang pamilya. We are formed by our family stories.

Kaya mahalaga sa ating lahat ang makipagkuwentuhan sa ating mga lolo’t lola. Hindi lamang matutuwa sila, kundi lalung lalalim ang ating pagkilala sa ating sarili’t pinanggalingan. Ang pagkakaiba ng isang pamilya ay nakabatay sa kuwentong-buhay.

Ganito din ang pananampalataya: ang buong bibliya ay kuwento ng ating mga ninuno.

Manalangin tayo: “Panginoon, hubugin mo sa amin ang pusong nagbibigay ng puwang sa aming mga nakatatanda. Nawa’y makita namin ang iyong mukha sa kanila. Amen.”

My family on Christmas

Maglagay ng mga Tanda ng Magagandang Alaala

Kape't PandasalTinatago mo ba ang mga Christmas o birthday cards na binigay ng iba’t ibang mahal mo sa buhay? Ako, oo. Inaamin kong sentimental akong tao: mahalaga sa akin ang mga ebidensya ng pagmamahal, maging card man ito, sulat o litrato. Halimbawa, ang featured image na nasa itaas nitong blog post ay larawan ng pamilya ko. Isa sa mga nakatagong alaala ng aking nanay na yumao na.

Sa aking upisina naman, meron akong tinatawag na inspirational wall kung saan nakalagay ang iba’t ibang litratong may kahulugan sa aking buhay.

 

Sa pagharap sa bagong taon, kailangan natin ipunin ang mga biyayang natanggap natin sa Panginoon, galing man ito sa mga masasayang karanasan o mga aral sa mga masasaklap na pinagdaanan.

At mahalagang hindi lang ito sa ating mga “isip” lamang. Kailangan natin ng may nakikita at nahahawakan; mga bagay na nagpapaalala sa atin.

 

Kaya maaari nating ilagay ito sa mesa katabi ng ating higaan, bilang inspirasyon sa simula at katapusan ng araw, o kaya’y litrato sa ating mga wallet upang lagi natin silang kapiling saan man tayo pumunta.

Marami tayong haharaping pagsubok sa bagong taong 2016.

Hindi lahat ng oras laging masaya. Nguni’t kahit anong bagyo at sakripisyo ang ating dinadala kapag alam natin kung para kanino, hindi kailanman tayo matutumba.

Manalangin tayo: Panginoon, nawa’y lagi kaming magpapasalamat sa mga mahal namin sa buhay, narito man sila o nasa ibang lugar. Ipagkaloob mo po sa kanila ang kanilang pangangailangan. Amen.

P1120046

Tatlong Tanong Bago Magbagong-Taon

Kape't PandasalHabang papalapit na ang katapusan ng taong 2015, nararapat lamang na magbalik-tanaw sa nakaraan upang lalung palalimin ang natutuhan sa mga nagdaang karanasan. Maari nating gamitin itong tatlong tanong na hango sa Spiritual Exercises ni San Ignacio de Loyola.

Unang-una: ano ang nagawa ko para sa Diyos?

Mas maganda kung mayroon tayong notebook o listahan upang mabalikan natin nang isa-isa ang mga importanteng karanasan sa nagdaang taon. Hindi kailangang lahatin, kundi piliin lamang sa listahan ang mga may tama sa ating buhay. Pagkatapos, pagnilayan ang katuturan ng mga ito sa iyong buhay. Huwag kakalimutang usisain ang naidulot nitong kabutihan o kasamaan.

Ano ang ginagawa ko sa Diyos, ang pangalawang tanong.

Sa kasalukuyang panahon, ano-ano ang pinagkakaabalahan ko? Ano ang maidudulot nito sa aking pagkatao, sa aking pagkikitungo sa kapwa at sa aking buhay pananampalataya. Ako ba’y mapapalapit sa Diyos o mas mapapalayo sa Kanya?

Ang panghuli ay “Ano ang maaaring ko gawin pang para sa higit na ikaluluwalhati ng Diyos?

May mga natutunan ba ako sa aking nakaraan at ginagawa ko sa kasalukuyan na maaari kong ipagpatuloy o baguhin upang maging mas maka-Diyos at kapwa?

Manalangin tayo: “Panginoon, tulungan niyo po akong suyurin ang aking buhay upang maging mas higit na mabuti akong tagapaglingkod Ninyo sa susunod na taon. Amen.”

Manigong Bagong Taon po sa inyong lahat!

New Trailer: Ignacio de Loyola

JESCOM FILMS PHILIPPINES presents the feature film IGNACIO DE LOYOLA starring Andreas Muñoz, Javier Godino, and Julio Perillan. Coming July 2016. http://www.IgnacioDeLoyola.com #IgnacioMovie

The movie is in English. It is intended for the GLOBAL audience. We want St. Ignatius to be known by the world.

Jesuit Communications Foundation Inc (JESCOM) is the communications apostolate of the Philippine Province of the Society of Jesus.

Please feel free to SHARE this on ALL your social networks.

Thank you very much for supporting our movie and our ministry.