What are your life’s abrupt turns?

Taking the cue from St. Ignatius’ experience of being hit by a cannonball on May 20, 1521 that changed his life forever, we also reflect on our own “cannonball experiences” that changed our life for good. Celebrating the 500th anniversary of St. Ignatius’ conversion, this video is set along the theme “all things new in Christ” for the Ignatian Year. Thank you for watching. 

Ano ang iyong mga biglang-liko sa buhay? Para sa mabungang-buhay, tayo na po’t magkape’t pandasal.

Pagnilayan natin ang ating mga nagpabago sa ating buhay. Noong Mayo 1985, hawak-hawak ko ang mga liham ng pagtanggap sa iba’t ibang kolehiyo, nguni’t nasa aking mga kamay din ang liham na tanggap rin ako sa seminaryo ng mga Heswita. Kung susundin kong mag-aral sa isang kilalang universidad, hindi ko matutupad ang pangarap kong maging isang pari. Nguni’t kung tatanggapin ko naman ang paanyayang maging isang paring Heswita, hindi ko matutupad ang pangarap kong maging isang tanyag na duktor.

Sa nagsasangang-daan, tinanong ko ang isang Heswita kung pwedeng kumuha ng kursong Biology bilang pre-med at hasain nang sabay ang aking musika. Sagot niya sa akin: “Oo naman! Bakit hindi? Why not?” Dahil sa kanya, pinili kong pumasok sa seminaryo at nagbago ang takbo ng aking buhay.

May mga biglang-liko tayo sa ating buhay: mga karanasan ng pagkamulat, minsan, pagkagulat; mga pangyayaring masakit, minsan, trahedya; o mga salitang nagpapaliwanag, minsan, nakakayanig sa ating kalooban. Nguni’t ito rin ang sanhi ng pagbabagong-buhay.

Ganito rin ang nangyari kay San Ignacio de Loyola. Nasabugan siya ng isang kanyon sa isang digmaang laban sa Pranses noong ika-dalawampu ng Mayo, 1521 sa Pamplona, Espana. Dahil dito, nagwakas ang kanyang pangarap bilang isang sundalo ng hari, nguni’t nagsimula naman ang isang bagong-buhay bilang sundalo ni Kristo.

A sudden end can be a new beginning.

Upang makita natin nang maliwanag ang kamay ng Diyos sa mga biglang-liko sa ating buhay, balikan natin ang ating mga nagsangang-daan at ang mga desisyon ng pagpipili. Alin sa mga karanasan at desisyon na iyon ang nagpabago sa iyong buhay? Tinatawag naming “cannonball experience” ang nagpabago kay San Ignacio, ano naman ang “cannonball experience” po ninyo sa inyong buhay?

Manalangin tayo: O Diyos sa pagdiriwang namin ng Ignatian Year, nawa’y magbago ang mga pananaw, kalooban at pagkilos namin sa aming buhay. Amen.  

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: