Kilalang kilala natin si Chris Pratt na gumanap bilang Owen sa “Jurassic World” na humakot ng higit sa isang bilyong dolyar sa takilya. Sa kanyang mga panayam, hindi kinakaila ni Chris Pratt ang paglalim ng kanyang pananampalataya noong premature ang panganganak ng kanyang asawa na si Anna Faris. Inuluwal si Jack, siyam na linggo bago ang kanyang kabuwanan at nanatili sila sa Intensive Care Unit ng ospital. Dahil nanganganib ang buhay ng kanyang anak, iniluhog nila sa Diyos ang kanyang kondisyon. Magdadalawang-taon na si Jack sa susunod na buwan ng Agosto.
Gayon din ang kuwento ng babaeng maysakit sa Ebanghelyo ngayong araw. Naniniwala ang babae na gagaling siya sa pamamagitan ng paghawak sa anumang bahagi ng damit ni Hesus. Para bagang sinasabi ng babae sa sarili, “Kung mahawakan ko man lang ang kanyang damit, gagaling ako!” At dahil sa kanyang pananampalataya, pinagaling siya ni Hesus.
Lumalago ang ating pananampalataya kapag naniniwala tayo sa mga bagay na hindi maipapaliwanag na kahit anong paraang-pisikal.
Ligtas sa kapahamakan ang anak ni Chris Pratt. Gumaling ang babae sa paghawak sa damit ni Hesus. Nagkakatotoo ang ating mga pangarap na idinulog natin sa Panginoon. Manalangin tayo mga kapamilya sa lalong paglalim ng ating pananalig sa Diyos. Dahil sa Panginoon, walang imposible.