Ang Buntot ni Johnny Tuko

Kape't PandasalIsang araw, nawala ni Johnny Tuko ang kanyang buntot.

Hindi niya namalayan na pinutol ito ng mga batang nakita siyang natutulog sa isang bato. Hiyang-hiya si Johnny sa kanyang hitsura, kaya hinanap niya ang kanyang nawawalang buntot.

Napakalawak ng kapaligiran. Ngunit hindi nawalan si Johnny ng pag-asa. Dahil ginugol niya ang kanyang panahon sa paghahanap, nakalimutan na niya ang kanyang mga pamilya at kaibigan. Isang araw, natagpuan niya si Petrang Palaka.

“Nakita mo ba ang aking buntot?” tanong ni Johnny.

“Bakit? Gusto mo bang dalawa ang iyong buntot?” sagot ni Petra. Sa haba ng panahong paghahanap, hindi niya namalayan ang kanyang bagong buntot.

Sa kanyang tuwa, umuwi si Johnny. Sa bagong daan, natagpuan ni Johnny ang kanyang lumang buntot. Kinuha niya ito upang iuwi. Natawa si Petra sa kanya, “Bakit mo pa iuuwi iyan, eh, mas maganda ang iyong bagong buntot?”

Mga kapamilya, minsan mas mabuting iwanan na natin ang ating mga nakaraan, upang ituon ang ating mga mata sa mas magandang kinabukasan.

Manalangin tayo.

O Ama, dahil sa iyong pag-ibig, kami ay iyong inampon at kinupkop upang maging anak ng liwanag. Isinasamo namin, kami sana’y ilayo mo sa dilim ng nakaraan at laging hanapin ang liwanag ng kinabukasan. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s